30 dahilan kung bakit ako binaliw ng 100 Tula Para Kay Stella

Kahapon ang unang araw ng Pista ng Pelikulang Pilipino, at nagkataon naman na maaga ang labas ko sa trabaho kaya naman naisip ko, bakit hindi pa ko manuod na?

Pinili kong unahin ang 100 Tula Para kay Stella, una dahil ang catchy ng title para sa mga mahihilig magsulat, at pangalawa, para suportahan ang ilang mga taga Victory Malolos na naging bahagi na rin ng pelikulang ito, sa likod man o harap ng camera. (Hey Gianne, Meynard, Carl and Jiad!)

Hindi ako nagsisisi sa pagpili ko dito sa pelikulang ito. Katunayan, dalawang buwan ko ‘to hinintay. Tungkol ‘to kay Fidel (JC Santos) na may speech defect pero mahilig magsulat ng tula. Nainlove sya kay Stella (Bela Padilla), isang rakistang lukaret pero sobrang ganda. Tapos naging magkaibigan sila. Tapos ano, sinulatan nya si Stella ng isang daang tula. Oo bes. Isang daan. Gano’n kalala ang tama n’ya kay Stella. Angas, noh?

Marami kayong mababasang mas magandang mga reviews sa mga susunod na araw sa Facebook. Hindi ako expert dito, pero kasi paglabas ko ng sinehan, ‘di ako nakasakay agad pauwi kasi dina-digest ko ‘yung mga nangyari. Para bang nung una akong lumabas sa cinema, okay pa ko, pero habang papalayo ako at papasakay ng taxi, do’n ko naiisip lahat, ta’s do’n ko lang napagtanto na shems, masakit pala talaga.

**Warning: this post may contain minor spoilers, so kung hindi mo pa napapanuod, bes panuorin mo na. Hanggang August 22 lang sila sa sinehan! Pero kung chill ka lang, then by all means, go ahead and scroll down.*

1. Sobrang ganda ni Bela Padilla. As in. I mean, alam naman nating lahat na maganda s’ya, pero iba pala ‘pag sa big screen na sya nakita, donning a black lipstick and an arm tattoo. Nakakadala rin ‘yung cinematography tapos ‘yung kanta ni Caleb Santos nung pumasok siya sa school na wala na ang heavy makeup nya. My words won’t be enough, you guys just have to see it.

2. As expected, JC Santos was at his best. Iba talaga ‘yung skills ng mga mata niya. Playing someone with a speech defect is hard, mga bessy. And I think they selected the correct actor to play Fidel.

3. Malalim talaga magmahal ang mga taga-Norte. (Kaway tayo jan, mga bessy!) Ang sarap lang talaga masdan ang Arayat. It’s good to finally see Pampanga in the big screen again. Nakakamiss umuwi ng north. Makauwi nga sa long weekend.

4. Stella is an epitome of a black angel na ibinagsak sa lupa para paibigin ka, tas mahuhumaling ka talaga sa kanya. Para syang hulog sa langit kahit mukha syang bruha sa lipstick nyang itim. Magandang bruha, in short. How 2 be like u po, teh?

5. And beneath that maangas na panlabas is a good heart — you can all see that. And in this film, we witness her back story, and mas lalo mong maappreciate ‘yung fact na she can still be kind despite the chaos and darkness in her heart.

6. Bela Padilla is singing here. Basta. Panuorin nyo.

7. We all have a Fidel inside of us. Tayong mga walang confidence umamin na may gusto na tayo do’n sa tao kasi sinosopla tayo ng mga flaws natin. Sometimes, the only way we can confess is… to write.

8. And sometimes, a single poem wouldn’t be enough. So you keep on writing one again. And again. And again. (Ask me how. Ay mali, kaka-unlearn ko lang pala. Haha!)

9. And no matter how many times you write about the person, hindi gano’n kadaling ibigay basta lahat ng sinulat mo sa kanila.

10. ..lalo na kung lagi mo siya kausap. Lagi mong kasama. Lalo na kung kaibigan mo. Basta. Ba’t ba kasi mahirap ‘pag gano’n talaga. Haha!

11. We need to be thankful for the Chuck’s in our lives – that one friend that builds up your confidence, and opens a lot of doors of opportunities para makabangon.

12. What’s the name of this girl in glasses again? ‘Yung may gusto kay Fidel? Danica ba? Gosh, hindi ko talaga siya gusto. (The character ha.) Hindi ko alam bakit. Buti nalang, she redeemed herself sa bandang dulo ng movie. Akala ko sasama pa sya sa gulo eh. Haha!

13. JC Santos is singing here as well!

14. This film is like a homage to the things we used to love way back 2005-2006. So, alalahanin nyo na ano mga pinaggagawa nyo sa Friendster at Yahoo Groups no’n, kung magkakasing-edad tayong lahat dito. Haha.

15. And Rivermaya songs! Nakakamiss naman talaga ang OPM no’ng mga panahong ‘yon.

16. Habang umuusad ‘yung pelikula, naiinis ako lalo kay Stella, especially on her poor decisions in life (and poor choices of guys to date!) But at the same time, I can’t blame her for feeling that way, especially when her backstory was introduced.

17. The poems by Fidel are soooooo legit. Sana, sana talaga merong librong ilabas after the movie containing all the poems written by Fidel. (Direk Jason Paul Laxamana, baka naman oh. Need nyo po ba ng katulong? Kaya ko po dugtungan ‘yung iba. Hehe.)

18. Nakakatuwa ‘yung mga pasundot na katatawanan. Siguro maka-ilang beses ako sinamid kakatawa. Lalo don sa banyo vandal scene, saka do’n sa nalaman na ni Stella kung ano ‘yung kinakanta ni Fidel no’ng una nya ‘tong makita. Iba, bessy. Feeling ko dinamihan nila ‘yong mga gano’n para ano, para may pananggas sa mga sugat na pwede mong matamo sa bandang dulo. Haha!

19. Ang gwapo nung lead guitarist ni Bela. ‘Yung kagwapuhan niya, sarap alayan ng 100 tula. Haha! (100 Tula Para kay Jiad? Hi Jiad!) Saka ‘yung drummer na din pala. Kung alam lang nila na maganda din boses nung drummer, noh? Pakinggan nila ‘yung Balisong. (Hi Carl!) Kaso sana mas naging mabait kayo, di’ba? Hehe.

20. Bela spits out explicit words. Ang galing lang and it’s so new to me. So golden talaga.

21. Si Stella nakaka-frustrate, pero no’ng bandang huli, mas gusto ko na awayin si Fidel. Hindi naman sa nagkulang siya. In fact, kulang pa ba ‘yung isang daang tula? Pero… pero basta!

22. Like what I mentioned above, oo nakakainis talaga si Stella. But I can’t hate her 100%. Siguro kasi habang naglalakad ako palabas ng mall no’ng gabing ‘yon, do’n ko lang napagtanto na kung ako ba nasa lagay ni Stella, ano rin ba ang gagawin ko?

23. Pumasok ako sa loob ng sinehan with a mindset na it’s Fidel’s character that will hit home, primarily because I’ve written so many poems to someone I truly loved. (Oo, isa lang talaga ‘yung nasulatan ko ng gano’ng karami. Nakakainis di’ba? Ta’s siya pa ‘yung ‘di nagkagusto saken? Haha! Buwiset ‘yon ‘di naman siya sing-gwapo ni JC Santos.) But I was wrong.

24. …because by the time I was in a cab on my way home, I realized that I am Stella in so many ways, for so many years now. I realized that I actually have a Fidel in my life, but he didn’t write for me. Instead, he drew me. In portraits. In sketches. In everything. Pakshems.

25. The best scene for me was when the poems have reached Stella and they finally got the chance to talk about it. (Abangan nyo ‘to!) Kasi ano, so much feels mga bessy! Unti-unti akong lumulubog sa kinauupuan ko tapos biglang tumugtog ‘yung intro ng Balisong, tapos narining ko na naman ang boses ni Carl. Ayon lalo akong humugot! Lol. Guys as in, basta abangan nyo ‘tong scene na ‘to. Tapos i-message nyo ko ano naramdaman nyo after. HAHA!

26. The film made me realize that all of us can be Fidel at some point. Then we have a Stella in our lives – the one na gustong gusto natin pero hirap na hirap tayo aminin sa kanila. The one na gusto mong alayan ng lahat-lahat. The one that you will always find way to fall in love with, kahit nakakabwiset na sya at nakakasakit na sya ng puso.

27. And there are times when we can also be a Stella – stubborn, makes poor decisions, but at the end of the day, we all just long for one thing: to be loved. Then life gets in the way, so hindi natin mapapansin that all the while, we have a Fidel in our lives na handa naman tayong mahalin ng sobra.

28. An officemate asked me, “Was the ending predictable?” Tapos tinanong ko sarili ko, predictable ba? Kasi ako, iba ‘yung ending na inexpect ko. Kumbaga, nararamdaman kong medyo familiar na kahihinatnan ne’to, pero no’ng napanuod ko, ibang iba rin eh. Twisted pa rin, may tama pa rin. You may always speculate what the ending is, pero how it ended, kakaiba. So I would say, no, hindi naman siya gano’ng predictable. See for yourself!

29. So sapat ba ang 100 na tula para mapaibig ang isang tao? Dipende. Minsan oo, madalas hindi, pero minsan kahit walang 100 na tula, pwede ka naman nyang mahalin pabalik. Pero siguraduhin mong kung susulat ka, ibigay mo na. Itaya mo na ang lahat. Maging isa kang sundalo ng pag-ibig na handa nang sumabak sa gyera.

30. Hanggang August 22 lang sila, mga bes. Kaya kung ako sa’yo, manuod ka na!

 

Advertisements

One thought on “30 dahilan kung bakit ako binaliw ng 100 Tula Para Kay Stella

  1. Para kang naghihintay sa hindi naman darating
    Naghahanap ng isang bagay sa lugar na madilim
    Naliligaw pero wala namang pupuntahan
    Napapagod pero wala namang pinagkakaabalahan

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s