Sirang earphones

Meron akong problema. Hindi naman problema talaga pero gusto ko lang problemahin. Alam nyo na, #millenialproblems ang peg, mga Bimb.

Ano kasi, no’ng isang araw habang nanunuod ako ng Game of Thrones season 7 episode 1 sa cellphone ko nung lunchtime, nasira ‘yung left earpiece ng earphones ko. ‘Di tuloy ako umabot sa cameo part ni Ed Sheeran.

Para sa mga nakakakilala talaga sa akin, OC ako sa mga bagay na hindi pantay. Kaya ang laking abala nung manunuod ako ng episode na mahigit isang taon kong hinintay tapos hindi maganda ang sounds. Ang badtrip kaya!

At kung kilala mo talaga ako, alam mong necessity sa akin ang earphones. Sa trabaho kong subsob sa pagsusulat, sa Spotify ako humuhugot ng inspirasyon kapag may writer’s block ako, o kaya kapag uuwi ako ng Bulacan galing Pasig (na feeling ko mula Manila hanggang Baguio sa tagal ng travel time) at gusto ko umemote. Hinding hinding hindi ako mapakali ‘pag wala ang earphones ko.

broken earphones

Sabi nung admin assistant namin nung nagra-rant ako sa kanya, “Sus, madali lang naman solusyon jan. Pwede mong gawin para gumana ulit o kaya bumili ka nalang ng bago.”

Pwede naman akong bumili. Kaso kasi kung bibili ako, bakit hindi na ‘yung may quality para ‘di na nasisira, di’ba? Baka ‘di pa tapos ang buong GoTS7 sira na ulit ‘yon. Do’n tayo sa matatag, kahit gastahan ko na.

Eh kaso wala na akong pera. Haha! I know, #millenialproblems talaga.

Isa sa mga natutunan ko simula nang mag-move out ako eh ‘yung ibudget ang sahod ko sa lahat ng bagay. Maingat ako sa mga bills saka mga bayarin, o sa suporta sa pamilya, pero ‘di ko rin naman tinitipid ang sarili ko sa mga libangan ko tulad ng libro, saka pagkain. May savings na din naman ako kaso..

…napa-splurge ako, mga bes. Haha!

Kamakailan lang, bigla nalang ako gumasta ng malaki para magpa-book ng mga airfares papunta sa kung saan saan sa susunod na taon. Syempre pati tutuluyan, kailangan kong asikasuhin. Ang mali ko lang, binigla ko lahat. Ang dami kong ginasta. Binigay ko lahat.

Ayan, laki tuloy ng nawala sa akin.

Pero hindi ako nagsisisi. Aba, anong masama sa paminsan-minsan eh gumala ka? Karapatan mo ‘yon. Malaya ka. ‘Yon nga lang, unti-unti. ‘Wag kang mag-splurge. Kasi ayan, tignan mo ngayon, kung anong meron ka ay sasapat lang, at sa susunod na sahod ka pa tuloy magkaka-earphones na bago.

Ang pointless ba nung kwento ko?

Maiba tayo.

Alam nyo bang sobrang hassle magmahal ng taong ‘di ka mahal? (O ayan, ‘yan ‘yung pinupunta nyo dito eh. ‘Yung hugot!) Pero eto, sasabihin ko, kahit kailan naman hindi maling magmahal, mga Bimb. Tao ka. Normal ‘yan. Isa ‘yan sa mga dahilan ba’t ka nandito sa mundo.

Pero parang earphones na sira sa kaliwang banda, kahit gumagana pa ang kanan, hindi pa rin gano’n kaganda ang kahihinatnan ng pinapakinggan mo kung isa lang ang tumutunog.

Anong maganda sa musikang hindi mo malasap ng todo dahil isa lang ang gumagana sa earphones mo?

Mga Bimb, may mga bagay na dapat two-way street… parang earphones. At love.

In the first place, ginawa ang earphones na dalawa ang earpieces. It is meant to function with the both of them working.

Oo, ayos lang pagtyagaan ‘yung isa lang ang gumagana. Pero hanggang kailan?

Nagtitipid ka ba?

Ano, gagawin mo nang mano-mano? Sige, ipilit mo. Kung gumana, aba eh ‘di maganda! Pero bago mo ito maayos, ilang putol, hati at sira pa sa kable ang gagawin mo?

Kung mabaklas mo ito, gaano ka kasiguradong gagana ito? At kung gagana ito, hanggang kailan gagana ang pinilit mo lang gumana ulit?

‘Wag ipilit kung ayaw talagang gumana.

‘Yaan mo, Bimb. Sa katapusan malaki-laki ang sahod mo. Makakabili ka ng bagong earphones.

Pero sa ngayon, maghintay ka. Magtiis ka muna sa portable speaker mo, o ipahinga mo muna ‘yang tenga mo dahil malamang sa hindi, pagod na ‘yan. O kung gusto mo talagang pagtyagaan ang earphones na isa lang ang gumagana, bahala ka.

Pero hindi maaaring habambuhay na iisa lang ang gumagana. Masisira ang pandinig mo.

At parang earphones na sira, hindi maaaring ikaw at ikaw lang ang magmamahal. Sinasayang mo ang puso mo.

Sa susunod na bibili ka ng earphones, sigiraduhin mong matibay, ha? ‘Di bale nang gastahan. ‘Di bale nang paghirapan mo.

Basta ‘yung pang-matagalan.

Saka ‘yung parehas gumagana.

Natapos ko naman na ‘yung episode, sinaksak ko nalang sa portable speaker pag-uwi ko sa bahay. Pagod na akong magtiis sa earphones na isang part lang ang gumagana. Isa pa, mas naappreciate ko rin ‘yung cameo ni Ed Sheeran at narinig ko ‘yung kanta niya.

O di’ba? Patunay lang na may choice ka namang kumawala sa pag-ibig na hindi nasusuklian. Baka may mas mainam pang pag-alayan ng pag-ibig kesa sa nagtitiis ka. 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s