Tinta

Ala una na ng madaling araw, pero dilat na dilat pa ang mga mata kong nanlalabo na.

Anong oras na, at kating-kati pa rin ang mga kamay kong tumipa ng mga pyesang tungkol na naman sa’yo.

Mahal, kailan ba mauubos ang tinta ko?

Dahil kung nagsasalita lang ang aking panulat ay malamang napaos na ito kakabanggit ng pangalan mo, tulad ng utak kong napapagod na kakasubok na isuka ang mga naaalalang panahon kasama ka.

Isusuka na kasi suko na ko.

Ginawa ko naman lahat. Niligaw ko na ang sarili sa mga lugar na pawang mga ordinaryong lugar lang, at hindi mga lugar kung saan tayo bumuo ng ala-ala. Nilunod ko na rin ang sarili sa mga librong walang kinalaman sa mga sinulat at binigkas mo.

Pero bandang huli, mahal, sa’yo pa rin nauuwi ang lahat.

Maligaw man ako, sa dapit-hapon ay hinihila pa rin ako ng aking mga paa pabalik sa lungsod kung saan ang bawat kanto at pader ay inilalarawan ka. Malunod man ako ng isang silid-aklatan, patuloy pa rin kitang nakikita sa bawat libro, pahina at letrang wari bang ikaw pa rin ang nagbibigkas.

Pagod na ako, mahal.

Sabi mo noon, darating ang araw na gagaling lahat ng sugat na dinulot mo. Ayaw mo na kamong dagdagan. Mahal, pinagbigyan kita. Pinilit kong tapyasin ang pangalan mo sa buhay ko pero bakit sa pagtanggal ko nito sa puso ko, lalo lang ito nagkapira-piraso?

Pagod na ako, mahal. Ginawa ko naman ang lahat.

Sabi mo, ang tanging gamot dito ay ang pagwalay mo. Hindi ka doktor, pero ipinilit mong makakabuti ito. Pero sandali, anong klaseng gamot ba ‘to? Ayos. May gamot pala talagang pumapatay.

Ang tagal naman matapos ng kabanata na ito. Gusto ko nang sumulat ng bagong kwento. Gusto ko na ng bagong panulat. ‘Yung kulay pula, o kaya pink, para mas masaya. Para may sigla.

Ala una na naman ng madaling araw, pero dilat na dilat pa ang mga mata kong napapagod na.

Napagod na sa kakapilit makadilat.

Sa kakasulat.
Sa kakasuko.

Kailan ako matatapos?

Ayoko na, mahal. Sana maubos na ang tinta ko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s