Shaw

“Namaalam ako, pero mahal kita
Dahil hindi basta natatapos ang pagmamahal sa isang pamamaalam.
Sana nga, sana ganun nalang kadali matapos.

Pero hindi.

Balang araw mauubos din
Ang tinta sa mga panulat ko
Na tila ba ang salitang nais lang ibuga
Ay mga salitang patungkol sa’yo
Kung gaano kita kamahal
Kahit namaalam ako.

Balang araw titila din
Ang ulan sa loob
At labas ng hirap na puso kong
Isang bagay lang ang nais gawin
Ang mamaalam na sa’yo
Kahit pa mahal na mahal kita.

Maghihintay ako ng maghihintay
Hanggang sa maubos ang tao
Para makasakay na
Paalis
At magtitiis
Kahit mahirap
Masakit
Dahil kailangan,
Kailangan ko nang makauwi.

Hindi pwedeng hindi.

Mahal kita, pero namaalam ako
Dahil ‘di porke’t mahal kita ay hindi ko na kailangang mamaalam.
Sana nga, sana hindi ko nalang kinailangang mamaalam.

Pero hindi.”

*Photo by Clarisse Inao.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s