Spilled

Biktima ng alin?

Sabi nila
Kay palad ko
Na sa mundong mapanakit
Na ito
Tila hindi daw ako nauubusan
Ng dahilan
Para tumawa
Para sumaya
Para magmahal.

Kay palad ko din
Na sa dinami-dami
Ng pwede kong napuntahan
Unang beses akong tumama
At ‘di ko inasahan
Na sa pagpili ko sa lugar na ito
Makakatagpo ako ng isang
Katulad mo
Na sobrang dalang ko lang
Makakilala
Sa napakalaking mapanakit na mundong ‘to.

Kay palad ko
Pagkat paunti-unti
Ibinahagi mo sa akin ang iyong kwento
Sinamahan mo akong
Tumawa
Magsulat
Kumanta
At madapa.

Kay palad kong
Makita
Ang mga sugat mo at ngiti
Na hindi nila napapansin
At doon ko lang napatunayan
Na sadyang kay palad ko pala
Dahil hindi lahat
Ng tao
Sa buhay ko
Ay nakilala ko’t nakita
Sa paraan kung paano kita
Nakita.

Ngunit kay malas ko
Dahil parang bumili ako
Ng sapatos
Na tinangi ko at pinili
Pero hindi maibenta sa akin
Dahil may sira na daw
At ‘di ko lang din magagamit.

Kay malas ko
Dahil kahit anong pilit ko
“Bibilhin ko na nga
Sa presyong bago
Kahit sira
Kahit ‘di ko magamit”
Ay ipinagkait pa rin sa akin
“Madami namang iba jan”
Sambit nila
Habang papalayo ako
Sa tindahang ‘yon.

Kay malas ko
Pagkat alam kong totoo
Madami pa namang bago
Madami pa namang iba
Pero bakit mas gugustuhin ko pang
Pag-ipunan
Gastahan
Piliin
Ang sirang katulad mo.

Kay malas ko nga
Dahil biktima ako ng oras
Kung nakita ba kita
Bago ka masira
Mabibili ba kita?
Mapapasakin ka ba?
Dahil kahit maubos ang sahod ko
Wala akong pakialam
Basta masiguro kong
Akin ka.

Pero naisip ko
Baka hindi rin.

Baka hindi ka rin magpabili sa akin
Kahit nung bago ka pa
Kahit nung wala ka pang sira.

Baka sa kanya ka pa rin nagpabili.

Kung ako lang sana
‘Yung nauna sa kanya
Na makatagpo sa’yo
Alam kong ‘di kita masisira
Dahil sinong tanga
Ang hahayaang masira
Ang isang bagay
Na mahalaga
Sayo
At pinag-ipunan mo?

Kay malas ko
Dahil biktima ako ng oras
At ng mapaglarong tadhana
Dito sa mapanakit na mundong to.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s