Sulat mula sa kasalukuyan

Sa lalaking nagmamahal mula sa hinaharap,

Hi! Nagkita na ba tayo?
Sana hindi ka pa naiinip. O napapagod. O pinanghihinaan ng loob. Patawad kung ang bagal kong kumilos. Hindi naman dahil sa ayokong umabante, pero ayoko lang kasing madaliin ang lahat.

Segurista kasi ako. Ayokong ayoko sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Makailang ulit na akong nagcompromise at nagsettle sa mga ganun. Hindi masaya. Kaya kung mabagal man ang pagkrus ng landas natin, ayos lang. Basta alam kong sa dulo no’n magtatagpo tayo. Ayaw mo no’n? Ang dami nating pagkukwentuhan tungkol sa mga nadaanan natin bago tayo magkatagpo. Hindi tayo mauubusan.

Masaya ka ba ngayon? Ako kasi, oo. Sana masaya ka rin ngayon. Maaaring ‘di ka pa buo, pero hiling kong ayos ka lang. Hindi ko pa sa ngayon kung anong pinagkakaabalahan mo, pero gusto kong malaman mong excited akong matuklasan ang lahat-lahat pa tungkol sa’yo.

May sense of humor ka ba? Ayos lang din naman kung wala. Ako kasi minsan oo, minsan wala. Pero malakas akong tumawa. Kaya mo bang hindi magsawang pakinggan ‘yon? Gusto kong tumatawa lagi. Kaya kung korni ka man o mahilig magpatawa, sana hindi ka mapagod patawanin ako. Mababaw din nga pala ang luha ko. Iyakin ako minsan. Okay lang ba ‘yon? Sana oo, kasi kung iiyak man ako, gusto ko habang yakap mo. Di baleng wag ka nang magsalita. Wag mo lang akong takbuhan. Yakapin mo lang ako habang umiiyak. Solb na ko don.

Curious lang din ako, ano kaya ang paborito mong pagkain? Mahilig kasi akong kumain. At magluto. Maeenjoy mo kaya ang mga iluluto ko? Isa lang kasi ‘yan sa maipagmamalaki ko. Hindi man ako sing-sexy ni Solenn o sing-ganda ni Liza, bubusugin naman kita araw-araw sa mga masasarap na iluluto ko, at syempre, sa pagmamahal ko. Naks!

But seriously, sana mahintay mo ko. Kasi I waited so long for this. I preserved myself because even as of now, I would like to honor you, kahit hindi pa tayo. Nabubuhay ako ngayon para sa hinaharap natin. Wala pa man ako sa 100%, pero tayo na ang end-goal ko. Old-fashioned ba masyado? Sorry na. Pero sabi ko kasi sa’yo, segurista ako.

Sabi nila, choosy daw ako. Takot daw ako sumubok. Pero bakit ako itataya ang lahat-lahat kung hindi naman ako siguradong ikaw na nga ‘yon? Willing naman ako sumubok. Sumugal. Tumaya. Pero hindi sa ngayon, na hindi mo pa narerealize na ako ‘to, at hindi ko pa napagtatantong ikaw na nga ‘yan. At bakit ko isusugal sa iba ang mga bagay at panahon na ikaw lang ang may deserve?

Gano’n kita kamahal. Handa akong maghintay. Sana ikaw din.

Nasaktan na ako noon. Malamang ikaw din. Hindi ko alam kung sino nakasakit sa’yo, o kung gaano ka nya nasaktan. Kung sana noon pa lang nagkakilala na tayo, baka hindi ka nasaktan ng ganyan. Pero naniniwala akong may dahilan bakit natin pinagdaanan ang lahat ng iyon.

Sa kasalukuyan, sana ayos ka na. Sana ay nakakaabante ka na. Kasi magkikita pa tayo sa hinaharap, ng buo na, at handa ng magmahal at sumubok ulit.

Hindi ko alam kung minsan na kitang nakilala o makikilala palang kita. Maaaring nagtagpo na tayo, pero nagkahiwalay ulit ang landas natin. Kung totoo ‘yon, alam kong magkikita pa tayo. Alam kong dadalhin ka din sa akin pabalik ng tadhanang mapaglaro na siya rin yatang naghiwalay pansamantala sa landas natin.

Maghintayan tayo, kung sino man ang mauna sa atin. Asahan mo, magtatagpo din ang ating landas. Papunta na ako.

And I look forward to spend the rest of my life with you. May kasama ka ng tatanda. At tataba. Asahan mo ‘yan.😉

Gumagalang,
Ang babaeng magmamahal sa’yo sa hinaharap, galing sa kasalukuyan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s